Pursigidong-pursigido ang ating mga kawani at volunteer sa Lokal na Pamahalaan upang TULOY-TULOY na makapaghatid ng SERBISYONG HANDOG sa ating mga kalungsod. Batid ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D., ang pangangailangan ng bawat tahanan para sa serbisyong medikal lalo na sa panahon ng pandemya. Ito po ang naisagawa para sa Brgy. Maligaya at Linglingay:

1. Pamamahagi ng MEDICAL EQUIPMENT tulad ng nebulizer, sphygmomanometer, blood glucose monitor

2. Pagsasagawa ng MEDICAL MISSION kasama ang pagbibigay ng LIBRENG PNEUMONIA VACCINE, GAMOT, at CHECK-UP

3. Pagbibigay ng TUNGKOD at WHEELCHAIR

Dito sa Science City of Muñoz, walang dapat mahirapan sa pagtanggap ng mga serbisyong handog na ito. Ang pamahalaan po ang pupunta sa inyo. Maagap na aksyon ang aming hatid sa bawat Muñozonian, ‘yan ang pangunahin naming gabay para sa pagseserbisyo sa lahat ng ating kababayan!

#NaglilingkodngLubosatmayAksyon
#ALagangAlvarez
#TatakAlvarez
#SerbisyongHandog
#KapayapaanKatahimikanKaayusan