Tunay ngang magagaling ang mga taga Muñoz mga kababayan, sapagkat nitong Nobyembre 14, 2022, pagkatapos ng Flag Raising Ceremony ng mga empleydado ng Lokal na Pamahalaan ng Sience City of Muñoz sa pamumuno ng ating aktibo at mapagmahal na TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ ay ginawaran ang mga magagaling at nagsisipitagang manlalaro ng JINMATES SCIENCE CITY OF MUÑOZ TAEKWONDO TRAINING CENTER na matatagpuan sa Maharlika Highway, Bantug sa pangunguna ni Coach Michelle ‘Mica’ Reglos at Assitant Coach Karen Bustos.

 Binabati po ng Lokal na Pamahalan sa pangunguna ng ating TITA MAYORA BABY ARMI ang nasabing Taekwondo Training Center sa pagwawagi bilang Over-All 3rd Runner Up sa Poomsae Evenet at Over-All 1st Runner Up sa Kyorugi Event sa 2022 Smart/MVP Sports Foundation Bataan Taekwondo Poomsae/ Kyurugi Championship nitong Nobyembre 5, 2022 sa Vista Mall, Bataan.

• Lubos din po ang pagbati namin sa mga nagwagi ng Gold Medal, Silver Medal at Bronze Medal na sina:

GOLD

• Jaybee Maniquez

• Lexine Athalia Santos

• Noel Benedict Santos

• Angeline Grace Antonio

• Armand Nizzi Aizle Miranda

• Trixia Nicole Aporongao

• Louisa Cunana Jr.

• Seirylle Azhea Blanche

• Joshua Louis Blanche

SILVER

• Aira Jenica Torres

• Charlie Jem Martin

• Reyaline Mercado

• Einjhel Yvone Ofiana

• Elijah Marie Ansel Miranda

BRONZE

• Jastyne Jane Dionisio

Sa lubos na pagkatuwa ng ating mahal na TITA MAYORA sa mgagaling nating manlalaro ng TAEKWONDO ay nagbahagi siya ng kaonting award para sa mga ito upang makadagdag sa kanilang kasiyahan.

Samantala,  pagkatapos nito ay amin pong binabati at ipinagmamalaki ang ating Dental Health Clinic Doctor na si Dr. Andrea Vazquez na siyang ginawaran ng Certificate of Recognition para sa kanyang ulirang pagganap na nagsisilbing inspirasyon sa Pubilic Health Dentists ng Central Luzon; at para sa pagpapakita ng outstanding na pamumuno na naka-ambag sa makabuluhang pagpapabuti sa Oral Health Program. Ang PUBLIC HEALTH DENTISTS ng SCIENCE CITY OF MUÑOZ ay ginawaran naman ng Certificate of Appreciation para sa kanilang outstanding na kontribusyon  sa larangan ng Public Health Dentistry.

 Muli ay binabati po namin ang lahat ng ginawaran ng karanagalan. Ikinararangal po kayo ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating TITA MAYORA BABY ARMI na walang sawa sa pagsuporta at pagmamahal sa ating lahat. Sama-sama po tayo sa lahat ng tagumpay. Huwag kakalimutan hindi lang po para sa mag-asawa ang pangakong sa hirap at ginhawa tayo ang mag-sasama sama kundi para din po sa ating mahal na lungsod.