Mapagpalang araw po sa lahat! Atin pong umpisahan ang ating linggo ng may ngiti at punong puno ng karangalan!

Muli po ay mainit na ipinagmamalaki ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating mabait na TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ ang ating SCIENCE CITY OF MUÑOZ GYMNASIUM na siyang naturingang BEST VENUE FOR THEATER AND CONCERTS sa kakatapos na Aliw Awards noong Disyembre 5, 2022. Isang malugod na pagbati pong muli sa hinirang na Best Filipino Artist Based Abroad na si Ms. Kea Chan-Broadway, na ngayon ay nakabase na sa New York City at sa hinirang na BEST CHORAL GROUP na ang MEASTRO SINGERS sa pamumuno ni Prof. Randy Ibarra.

Ibinahagi din po ng ating SINSP ARNULFO A. POL, Acting City Fire Marshal pagkatapos ng ating lingguhang Flag Rasising Ceremony ang ating natanggap na Ambulansya mula sa ating Department of the Interior and Local Government.

Congratulation po sa ating magagaling na mga manlalangoy ng NE ALOHA SWIMMING TEAM sa pangunguna ng kanilang Head Coach na si Coach Limuel Muñoz at Trainor na si Abegail R. Domingo na nakiisa sa 89th Central Northern-Luzon, CAR Swimming Coaches Association sa St. Louis Univeristy Aquatic Facility, Bakakeng Baguio City na sina:

• Rowan Klide M. Villarosa
• Rafael Kaile M. Viilarosa
• Rianne Kaile M. Villasrosa
• Rionah Kaleah M. Villarosa
• Kurt Daniel V. Garcia – 1 Silver, 3 Bronze
• Justin Ely V. Garcia
• Mark Lewis Adam V. Garcia
• Francis Mark Emmanuel Salazar – 5 Gold, 1 Special Award

 Iba talaga ang mga taga Muñoz! Sabi nga po ng ating TITA MAYORA BABY ARMI, ipagpatuloy po natin ang pagmamahalan at pakikipagkapwa tao! At higit sa lahat ay ipagpatuloy po natin ang pagsulong sa pagpigil at paghinto sa karahasan sa mga kababaihan.