‘Monday is Award Day’ sa Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz mga kababayan! Excited na po ba kayo sa mga nabigyan ng award na ating mga ipinagmamalaking kababayan?

 Pagkatapos ng ating lingguhang Flag Raising Ceremony ay ipinamahagi ng ating cute na cute at bibong bibo na si John Ericson Bata ng Brgy Franza ang kaniyang award winning na pagtula. Siya ang ating CHAMPION sa naganap na Children’s Congress Poem Reciting Competition na ginanap noong Nobyembre 16, 2022. Bata pa lamang ay kitang kita na ang angking talento ng mga kabataan ng ating lungsod.

 Samantala ay narito naman po ang mga natanggap na karanagalan ni Ms. JAYDEN REECE C. BALLADO, isang Junior High School Student-athlete ng Muñoz National High School, Science Section:

ATHLETICS/ LEADERSHIP

International Athletics

-Bronze Medalist in the UISF University Int’l Festival held at Mara University Selangor Malaysia on July 27-August 8, 2019

-Champion in Hat-Yai, Thailand, Doubles; Dec 5-12, 2018

-Runner-Up, Hat-Yai, Thailand, Singles; Dec 5-12, 2018

-Bronze Medalist, Penang Malaysia on Nov 28-Dec 4, 2018

National Athletics

-Champion, Best of the Best (Top 8 ) in San Carlos Negros Occ, Philippines

-Participated in the 2018 and 2019 Palarong Pambansa in Vigan, Ilocos Sur and Davao City, Philippines

Regional Athletics

-Champion in 2019 CLARAA Meet, Iba Zambales, Philippines

-Champion in 2018 CLARAA Meet, Malolos Bulacan, Philippines

LOCAL TOURNAMENTS

Recent (2022):

-Champion on Philippine Columbian Association (PCA) Juniors National Tennis Championship on Nov 18-21, 2022, 16 and under category

-Champion on Philippine Columbian Association (PCA) Juniors National Tennis Championship on Nov 18-21, 2022, 14 and under category

-MVP Award for winning the 2 category

CY 2017-2020:

-Multi-champion in 12 under and 14 and under Girls

TENNIS RANKINGS

Junior Tennis

– Top 1 in 12 and under Girls, Philippines

– Current UTR:5.82

 Ipinagmamalaki din po namin si Mr. Russell Q. Lapat sa pagtanngap niya ng Certificate of Participation in the Salon Spectacular’22 Progressive Evening Hairstyle & Make-Up sa kaniyang pananatiling tapat sa sining at kaniyang hilig sa kabila ng mga hamon ng pandaigdigang pandemya; para sa iyong walang humpay na sigasig na hamunin ang limitasyon ng iyong pagkamalikhain at imahinasyon sa diwa ng iyong mga kaibigan sa gitna ng kumpetisyon; at sa pagbabahagi ng iyong talento at kasanayan bilang suporta sa aming mithiin na patuloy na itaas ang bar of excellence para sa mga Filipino Salon Professionals.

Binabati at ipinagmamalaki po ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ ang lahat ng nakatanggap ng karangalan. Lalo pa po ninyong linangin ang inyong mga talento. Makakaasa po kayo na ibibigay ng buo ng ating TITA MAYORA BABY ARMI ang lahat ng suporta na kaniyang maibibigay sa inyo at sa lahat ng minamahal nating mamamayan.