Umpisahan natin ang ating linggo ng mga magagandang balita mga kababayan!

 Dahil sa walang sawang suporta at pagmamahal ng ating TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ sa ating lungsod at sa ating mamamayan ay tuloy tuloy ang mga karangalang natatanggap, sapagkat ang bawat isa may pagkakaisa at pagmamalasakit sa kapwa. Mabuhay Muñozonian!

 Kasunod ng flag raising ceremony ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ ay ang pagbibigay karangalan sa ating magiting na si G. FRANCIS MARK EMMANUEL SALAZAR sa kanyang pagwawagi sa 88th Central Northern Luzon Coaches Swimming Club Association Swim Series sa Bayombong, Nueva Vizcaya bilang CHAMPION sa Special Event (100m Free Style, 100m Butterfly, 100m Breast Stroke, 50m Free Style, 50m Back Stroke at 50m Breast Stroke) at 2nd Place naman sa Regular Event (100m Butterfly at 50m Backstroke. Ipinagmamalaki at binabati ka namin G. FRANCIS MARK EMMANUEL SALAZAR!

 Samantala ay binabati din po naming ang lahat ng ating kabataan ng isang maligayang 30th National Children’s Month na may temang “Kalusugan, Kaisipan at Kapakanan ng Bawat Bata ay Ating Tutukan”. Kaya mga kababayan sama-sama nating protektahan at ipaglaban ang karapatan ng bawat bata anuman ang kanilang kasarian, relihiyon, lahi, kundisyon at kultura.

 Sa pagdiriwang ng ating Children’s Month ay malugod po naming binabati ang masisipag nating Child Development Workers na mas kilala bilang Day- Care Worker kasama ang kanilang mga kapitan sa pagpasa sa ACCREDITATION na naganap nitong Agosto 2022. Narito po ang mga barangay at kanilang mga nakamit na karangalan:


Level 3 o OUTSTANDING

• Bagong Sikat (Kap Celso Catabona at Madam Virginia Carbonel)

• Balante (Kap Emiliano Fabro at Federation President Arlene Vargas)

• Bantug (1) (Kap Eric Santiago at Madam Leonora Santiago)

• Bical (Kap Joselito Vergara at Madam Analyn P. Ramos)

• Villa Nati (ABC Alexander Natividad at Madam Maila Rosario)


Level 2 o VERY SATISFACTORY

• Cabisuculan (Kap Benjamine Cara at Madam Reveca C. Diga)


Level 1 o SATISFACTORY

• Bantug (2 and 3)

• Calabalabaan

• Calsitan

• Catalanacan

• Curva

• Franza

• Gabaldon

• Labney

• Linglingay

• Licaong

• Magtanggol

• Maligaya

• Mangandingay

• Mapangpang

• Maragol

• Matingkis

• Naglabrahan

• Pandalla

• Palusapis

• Rang-Ayan

• Rizal

• San Andres

• Pob. West

• Pob. North

• Pob. East

• Pob. South

• San Antonio

• San Felipe

• Sapang Cauayan

• Villa Isla

• Villa Cuizon

• Villa Santos

Muli po ay binabati po namin ang lahat sa inyong mga natanggap na karangalan. Mabuhay po kayong lahat!