Nagpamahagi ang Department of Agriculture sa pamamagitan ng Local Government Unit ng limang libong piso (PhP5,000.00) sa tatlong daan at limang farmer benificiaries ng Science City of Muñoz. Ito ay bahagi ng Rice Farmer Financial Assistance (RFFA) na programa ng National Government. Ang ipinamahagi ay hindi pautang, ito ay financial assistance o tulong sa mga magsasaka na naapektuhan ng RTL o tinatawag na Rice Tariffication Law. Ito ay ginanap noong May 30, 2020 sa Multi Purpose Hall. Pinangunahan ng Lokal na Gobyerno sa pamumuno ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. kasama ang City Agriculture Office, Land Bank Branch Science City of Muñoz at ang PNP Muñoz para sa health protocol.