✅Mahigpit na ipatutupad ang minimum safety standard lalo na po pag nasa labas ng tahanan:

✔️pagsusuot ng facemask
✔️social at physical distancing
✔️palagiang paghuhugas ng kamay o pagsasanitize

✅Bawal pa rin pong lumabas ng bahay ang nasa edad 20 pababa at 60 pataas. Gayundin ang mga buntis, may immunodeficiency at mga may sakit o ibang health risks.

✅Ang nadagdag na maaari lamang pong lumabas ay ang mga empleyado ng mga tanggapan at establisyimento na kasama sa mga kategoryang magbubukas na. Siguraduhin lamang po na dala ang inyong certificate of employment at/o company/worker’s ID.

✅Mahigpit din pong pinapaalalahanan lahat ng tanggapan at establisyimento na magbubukas na mandatory ang paglalagay ng alcohol o hand sanitizer sa bawat pasukan. kinakailangan ding maglagay ng mga marka para sa mga customers para sa social distancing. Wala din pong transaksyon o hindi papasukin ang hindi naka-facemask.

✅Ang home quarantine pass po ay susundin parin sa ating lungsod. Bagama’t sinabi ng DILG na hindi na kailangan ay binibigyan po ng karapatan ang bawat LGU na ipatupad parin ito lalo at kinakailangan. Kung kaya’t parati pong dalin ang home quarantine pass at ID sa pagbili ng essential na pangangailangan sa araw ng inyong schedule.

✅Ang barangay clustering sa ating pamilihan ay patuloy paring ipatutupad. At ang maaari lamang pong lumabas ng tahanan at mamili ay iyong mga residente ng mga naka- schedule na barangay.

✅May public transportation na din po tulad ng tricycle at jeepney o XLT, ngunit limitado po ang dapat isakay. Hinihiling din po na makipagtulungan ang ating mga kababayan na magfill up sa contact tracing form sa mga tricycle na inyong masasakyan.

✅Ang schedule po ng pamamasada ng mga tricycle sa 37 barangay dito sa ating lungsod ay susunod po sa ipinatutupad na araw ng barangay clustering.

✅Ang curfew po ay 10:00 PM hanggang 5:00 AM. Wala na pong lalabas sa ating mga tahanan maliban sa mga nagmamando sa checkpoints at ilang empleyado/manggagawa na papunta o pauwi galing sa knilang trabaho.

✅Ang mga may kinakailangan lamang po ng medical certificate at travel authority ay ang mga locally stranded individuals (LSI) na pabalik at paalis ng ating lungsod, at repatriated OFWs.

✅Magkaiba po ang travel authority at travel pass.

✅Kung ang lugar ng inyong pinapasukang trabaho ay matatagpuan sa ibang bayan o lungsod maging sa loob o labas ng ating probinsya (Nueva Ecija), palagi nyo pong dalhin ang inyong certificate of employment at id tuwing kayo ay papasok at ipakita sa mga checkpoints na inyong daraanan. Hindi na po kailangan ang travel pass sa mga empleyado at manggagawa.

✅Kung kayo naman ay gustong lumabas ng Nueva Ecija at hindi upang pumasok sa trabaho ay kinakailangang kumuha ng Travel Pass mula sa City Health Office o sa DA office.

❗️Para po sa maraming katanungan patungkol sa pagpunta sa ibang bayan o lungsod sa loob ng ating probinsya ( Nueva Ecija) at kung kinakailangan parin ng travel pass, gayundin ang pananatili o pagtanggal ng mga barangay checkpoints, manatili po tayong mag-antabay sa guidelines na ipapalabas ng ating provincial government.

❗️Ang atin pong Punong Lungsod ay maglalabas ng isang executive order patungkol sa mga alituntunin na dapat sundin sanhi ng pagsasailalim sa Lungsod Agham ng Munoz sa General Community Quarantine(GCQ) matapos na opisyal na ipalabas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija ang kanilang resolusyon/kapasyahan tungkol sa GCQ sa buong probinsya.

Tayo po ay makiisa para sa ligtas at maayos na pagpapatupad ng mga alituntunin ngayong tayo ay nasa transition patungo sa GCQ.

Maraming salamat po!