DALAWANG (2) DOKUMENTO LAMANG PO ANG KINAKAILANGAN.

1. MEDICAL CERTIFICATE NA MAGMUMULA SA LOCAL HEALTH OFFICE NG PANGGAGALINGANG LUGAR.

✅MAHALAGA PO NA NATAPOS NG ISANG LSI ANG 14-DAY QUARANTINE PERIOD NA MONITORED NG BHW SA INYONG PANGGAGALINGANG BARANGAY BAGO ISYUHAN NG MEDICAL CERTIFICATE O CLEARANCE NG LOCAL HEALTH OFFICER NG LUGAR KUNG SAAN KAYO MANGGAGALING.

✅KINAKAILANGAN DIN NA ANG MEDICAL CERTIFICATE O CLEARANCE NA MAKUKUHA AY NAGSASAAD NA KAYO AY NAKATAPOS NG 14-DAY QUARANTINE PERIOD UPANG HOME QUARANTINE NALANG PO KAYO PAGDATING DITO SA ATING LUNGSOD. KUNG HINDI PO ITO NAKASAAD AY AUTOMATIC NA SA ATING ISOLATION FACILITY PO KAYO MANANATILI NG 14 DAYS.

2. TRAVEL AUTHORITY NA MAGMUMULA SA LOCAL POLICE STATION NG INYONG PANGGAGALINGANG LUGAR

✅MAGBIGAY NG KOPYA NG INYONG MEDICAL CERTIFICATE O CLEARANCE

✅IBIGAY ANG DETALYE NG SASAKYAN NA GAGAMITIN SA INYONG PAG-UWI SA ATING LUNGSOD

❗️MAHALAGANG MAICOORDINATE PO DITO SA ATING LGU AT INYONG BARANGAY ANG INYONG PAG-UWI O PAGBALIK.

❗️MAHIGPIT DIN PO NA PINAPAYUHAN ANG MGA LSI NA DUMIRETSO SA ATING CITY HEALTH OFFICE O ISOLATION FACILITY PARA SA KAUKULANG ASSESSMENT.

MARAMING SALAMAT PO