Science City of Muñoz Dialysis Center
Matatagpuan and Science City of Muñoz Dialysis Center sa Barangay Rizal. Ito ay inaasahang magbubukas pagkatapos ng nagaganap na negosasyon sa pagitan ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz at ng isang pribadong tagataguyod sa ilalim ng Private Public Partnership (PPP).
Ang nasabing proyekto ay sa pangunguna ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. at sa tulong mula sa ponding inilaan ni Senador Risa Hontiveros na nagkakahalaga ng labinlimang milyong piso (Php15M)

DOST One Stop Hub Building
Bilang suporta ng Pamahalaang Lokal ng Science City of Muñoz sa pamumuno ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D., isang Multi-Purpose Building na nagkakahalaga ng Php11,737,780.97 ang itinayo sa Central Luzon State University compound para sa DOST Nueva Ecija Provincial Office. Ang gusaling ito ay magsisilbing One Store Hub para sa mga programa at proyekto ng nasabing ahensya.

Science City Park, City Library at Tourism Office
Kasalukuyang nagsasagawa ng Site Development Project para sa Science City Park, City Library at Tourism Office. Ang nasabing parke at gusali ay matatagpuan sa Barangay Catalanacan. Kabilang ang mga proyektong ito sa Department of Budget and Management Green, Green, Green Project at Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz na nagkakahalaga ng Php7,683,902.10 at Php8,858,018.00 ayon sa pagkakabanggit. Ito ay sa pamumuno at pagkukusa ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D.

City Disaster Risk Reduction and Management Office
Kasalukuyang itinatayo ang CDRRMO Building at Evacuation Center sa Barangay Catalanacan. Ito ay magsisilbing Emergency Operation Center kung saan magpapatakbo ang City Wide CCTV System at 911 emergency hotline service dito sa lungsod. Ang nasabing proyekto ay isa lamang sa maraming proyekto sa pamumuno ni Mayor Nestor Alvarez, Ph.D. at inaasahang makapagbibigay ng dekalidad na serbisyong pampubliko sa panahon ng kalamidad at sakuna at sa pang araw araw na kaligtasan ng ating mamamayan.