Bumisita sina Sec. John R. Castrioiones ng DAR, USec. Emily O. Padilla, USec. Virginia N. Orogo, USec. Carim L. Panumpang, RD Maria Celestina M. Tam, CESO III and Engr. Romeo S. Coedero, PARPO kasama ang iba pang panauhin para sa inagurasyon ng pagawaan ng “Milkybun”, paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang Philippine Carabao Center (PCC) na pinangunahan ni Director Arnel N. Del Barrio at pamimigay ng EP/Certificate of Land Ownership Award (CLOA) sa mga Agrarian reform beneficiaries (ARBs) of Munoz, Nueva Ecija. Ito ay naganap nitong Setyembre 19,2020.

Malugod na tinanngap o sinalubong ng butihing Mayor ng Science City of Muñoz na si Mayor Nestor L. Alvarez,Ph.D. kasama ibang miyembro ng Sannguniang Panlungsod at mga kawani ng gobyerno.

Ang Milkybun ay isang klase ng tinapay kung saan ang nutrisyon nito ay katumbas ng nutrisyon na maaring makuha sa isang baso ng gatas.. Layunin ng “Milkybun” Production Center ay ang magpatupad ng isang programa sa pagpapakain na inilaan para sa mga bata sa lalawigan na ito.

Ang paglagda ng memorandum of agreement (MOA) ay ipinatupad sa ilalim ng Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty Program (EPAHPP).