Misa ng Pasasalamat ang naganap nitong Disyembre 9,2020 sa San Sebastian Parish Church para sa pagdiriwang ng ika- 20th Charter Anniversary ng Science City of Muñoz. Ang pagiging Lungsod Agham ng Muñoz ay ayon sa Republic Act 8977. Ginawa ang Muñoz bilang Science City of Muñoz noong Disyembre 9, 2000, ang pinakaunang Science City sa Pilipinas at pangalawa sa buong mundo.
Pinangunahan ni Reverend Father Ariel Capuyon ang misa ng pasasalamat. Ang selebrasyon ay dinaluhan ng iba’t ibang kawani at nahalal na opisyal ng lokal na pamahalaan ng lungsod sa pangunguna ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph. D. Bilang parte ng pagdiriwang ay nagkaroon din ng simpleng salu-salo pagkatapos ng misa.