Ang Misyong Medical o Medical Mission at iba pang mga serbisyo ay isang serbisyong handog o paglilingkod ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating masigasig na Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. Layon ng Lokal na Pamahalaan na ibaba ang mga naturang serbisyo o paglilingkod sa pinakamaliit na administratibong dibisyon ng lungsod, ang barangay. Hangad ng programang ito na makatulong ng lubusan sa mamamayan ng Science City of Muñoz.

Nagumpisa ang naturang Medical Mission para sa taong 2022 sa Barangay Magtangol nitong Marso 14. Narito po ang mga serbisyong naihatid sa ating mga minamahal na kabarangay:

✅Pagsasagawa ng LIBRENG CHECK-UP
✅Pamamahagi ng LIBRENG GAMOT
✅LIBRENG gupit, pakulay ng buhok at hot oil
✅PHILHEALTH assistance
✅Pamimigay ng condom, lubricant, pills at iba pa ng mga kinatawan ng Commision on Population and Development
✅Pagtulong ng mga kinatawan ng Commision on Population and Development sa pagpaplano ng pamilya
✅Pagbabakuna laban sa Covid-19
✅Dental check-up at fluoride application
✅LIBRENG pustiso, bunot ng ngipin at salamin
✅LIBRENG tuli

Sa ngalan ng Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph. D., kami ay nagpapasalamat  sa lahat ng mga nakiisa at tumulong sa naganap na Misyong Medikal. Saludo po kami sa kadalisayan ng inyong mga puso na hindi napapagod na magbigay ng walang kapantay na serbisyo sa ating mga minamahal na mamamayan.

Kaya mga kababayan, inyo pong hintayin sa inyong barangay ang serbisyong handog ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz! Mabuhay po ang lahat!