Naganap ang pagpirma sa Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ at ng Central Luzon State University (CLSU) sa pamumuno ni President Dr. Edgar A. Orden patungkol sa “Pre- Commercialization of Probiotics and Prebiotics from Tilapia Wastes for Tilapia Culture”.

 Ikinagagalak po ng pamahalaan ang patuloy na matibay na pagkakaisa sa ating lungsod. Ipagpatuloy po natin ang pagpapaunlad ng ating lungsod!