MAHALAGANG ANUNSYO!

IPINAAALAM PO NATIN SA ATING MGA MINAMAHAL NA KABABAYAN AT KAWANI NG ATING LOKAL NA PAMAHALAAN NG SCIENCE CITY OF MUÑOZ NA SA BISA NG EXECUTIVE ORDER NO. 29, S 2020 AT ALINSUNOD SA REKOMENDASYON NG ATING LOKAL IATF, ANG LAHAT NG TANGGAPAN SA ATING LOKAL NA PAMAHALAAN AY PANSAMANTALANG MAGSASARA MULA IKA-20 NG OKTUBRE HANGGANG IKA-3 NG NOBYEMBRE 2020. ITO PO AY KAUGNAY SA DUMARAMING KASO NG COVID-19 SA ATING BAHAY-PAMAHALAAN.

SAMANTALA, ANG MGA TANGGAPAN NA MAY KAUGNAYAN SA FRONTLINE SERVICES TULAD NG HEALTH CENTER, CDRRMO, DSWD, CENRO, POSO AT PUBLIC MARKET AY MANANATILING BUKAS NA MAY SKELETAL WORKFORCE AT PANSAMANTALANG MAG-OOPISINA SA ATING GYMNASIUM.

MARAMING SALAMAT PO SA INYONG PANG-UNAWA! MAG-INGAT PO TAYONG LAHAT.