Nag-donate ang Lokal Na Pamahalaan ng Science City of Muñoz at Philippine Carabao Center sa BFP Muñoz upang magkaroon ng isang tinatawag na “kolong kolong” na magsisilbing fire penetrator sa mga daan sa mga barangay ng lungsod. Ang nasabing sasakyan ay gagamitin upang marating ang hindi mapapasok ng mga firetruck kung may sunog.