Naganap ang isang Ceremonial Ground breaking para sa Muñoz Land Development, Pagkukumpuni ng 100 Housing Units, at Pagtatayo ng Evacuation Center/Covered Court at Day Care Center (Phase 1); at Ceremonial Ground breaking para sa Muñoz Land Development (Phase 2) sa Barangay Catalanacan, Science City of Muñoz nitong Lunes, Mayo 23, 2022.

 Pagkatapos ng nasabing groundbreaking ay naganap ang Ceremonial Signing of Agreement upang mas paigtingin ang kasunduan.

 Lubos po ang pasasalamat ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating MAYOR NESTOR L. ALVAREZ, Ph.D sa ating mga minamahal na mga bisita na sina SECRETARY EDUARDO D. DEL ROSARIO, Department of Human Settlements and Urban Development; ATTY. ANGELITO F. AGUILA, OIC-Director ng Housing and Real Estate Development Regulation Bureau; ATTY. FELIX V. BRAZIL, Jr., OIC- Regional Director ng DHSUD R-3; DIRECTOR MARIO J. MALLARI, Adminisrative Service ng DHSUD; at MR. LEOUEL SANTOS, Head Executive Assistant.

 Dumalo sa ating Ceremonial Groundbreaking at Ceremonial Signing of Agreement ang ating  MAYOR-Elect  ARMI L. ALVAREZ katuwang niya ang mga bagong halal na mga konsehal na sina Coun. Allan Pingol, Coun. Jerry Fulgencio, Coun. Vincent  Alvarez at Coun. Edmond Balmeo. Kasama din sa mga dumalo ang mga Punong Barangay sa pamumuno ni ABC President Alexander Natividad, Department Heads at iba pang kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz.