Ginanap ang Inauguration Ceremony o Pagbabasbas ng Muñoz Water District at Prime Water Gabaldon Booster Station sa Purok Narra, Brgy. Gabaldon, Science City of Muñoz, Nueva Ecija at Two-Storey New Office Building sa Bayuga St., Brgy. Pob. South, Science City of Muñoz, Nueva Ecija nitong Hulyo 28, 2022.

 Sinimulan ng isang panalangin ang nasabing seremonya at siya namang sinundan ng panimulang mensahe ng Branch Manager ng Prime Water na si Engr. John Jordan F. Cardenas. Isang kagalak galak na mensahe naman ang inalay ng ating VICE MAYOR NESTOR LAZARO ALVAREZ, Ph.D. para sa lahat ng panauhin. Nagmula naman kay Engr. Rogelio L. Miguel, General Branch Manager ng Muñoz Water District ang pangwakas na pananalita.

 Ipinaaabot ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ ang pasasalamat sa walang sawang pagbibigay serbisyo ng Muñoz Water District at Prime Water sa ating mga minamahal na mamamayan. Mabuhay po ang lahat!