Ang African Swine Fever (ASF) ay isang nakakahawang sakit sa mga dometic na baboy. Marami tayong kababayan na naapektuhan ang negosyo dahil sa pagkakaroon ng ASF ng kanilang mga inaalagaang baboy. Dahil dito minabuting gawin ang tinatawag na depopulation ng baboy. Sa loob ng 1 kilometer radius ay kinakailangang patayin lahat ng baboy na apektado ng ASF.

Nitong Abril 20 ,2021 sa pamamagitan ng Lokal na Pamahalaan ng ating lungsod sa pangunguna ni MAYOR NESTOR L. ALVAREZ, PH.D., kasama ang Sangguniang Panlungsod at ng Department of Agriculture Regional Field Office III na pinangunahan ni Dr. Xandre Baccay, DVM ay nabayaran na ang 106 farmers ng PHP 5,000 kada baboy na pinatay.

Mga kababayan sama-sama po nating sugpuin ang kahirapan. Tuloy-tuloy po tayong magtulungan at magkaisa, laban sa pandemya at sa iba pang mga kinakaharap nating pagsubok sa buhay.

#NaglilingkodngLubosatmayAksyon
#ALagangAlvarez
#TatakAlvarez
#SerbisyongHandog
#KapayapaanKatahimikanKaayusan