Nagpakitang husay ang mga nag-gagandahang at matatalinong dilag mula sa iba’t-ibang barangay sa lungsod upang makuha ang korona bilang Mutya ng Lungsod Agham ng Muñoz 2020.

Ipinamalas nila ang kanilang husay sa pagrampa at pagsagot sa mga katanungan.

Dumalo sa nasabing programa sina Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D, Coun. Herminio Salcedo, Coun. Carmelita Umagat, MD, Coun. Jerry S. Fulgencio, Coun. Rodney S. Cabrera, Coun. Henry Agaloos, City Administrator Raul D. Divina, PLtCol. Gerald Licyayo, ABC President Alexander Natividad, Mr. Emmanuel Bustamante at Architect Jun Lugtu.

Nagbigay naman ng pampasiglang bilang ang Bungkos Palay, CLSU Tanghalang Gagalaw, MNHS Senior High School, Maragol Integrated School, Poblacion North Elementary School, Muñoz Central School, DepEd CLSU Laboratory Elementary School, Bagong Sikat Elementary School, CLSU Quartet, SCM Mega Crew at Mr. Jeremy Manite.

Marami ang natuwa ng dumating si Christian Baustista upang haranahin ang mga manonood sa programa.

Para sa mga special awards, inuwi ni Joyce Duran ng Poblacion West ang pagka-Binibining TM. Si Fedielyn Dagdag ng Magtanggol ang nakapag-uwi ng Binibining Le’Rad. Binibining Olay si Rosemarie Mapilar ng Mangandingay, Binibining Phi Beta Rho si Samantha Ashley Parcasio ng Maragol at Binibining Timeless Beauty si Marjie Niegos ng Linglingay.

Sa mga major awards, humakot ng awards bilang Natatanging Binibini para sa Kasuotang Kaswal, Natatanging Binibini para sa Kasuotang Panglangoy, Natatanging Binibini para sa Pormal na Kasuotan, Natatanging Binibining Photogenic at Mutya ng Uhay Festival si Samantha Ashley Parcasio ng Maragol. Si Jeffy Felimon ng Poblacion North na itinanghal na Mutya ng Turismo at nasungkit ni Carmina Pelayo ng Bantug ang korona at titulong Mutya ng Lungsod Agham ng Muñoz 2020. Siya rin ay nakakuha ng isa pang award bilang Natatanging Binibining Palakaibigan.

Nagsilbing hurado sa nasabing patimpalak sina Ms. Miriam Lugtu, Mr. Bong Antonio , Dr. Danilo A. Vargas, Atty. Gemma Lynne Layug – Teo, Mr. Gabriel Cesar Lardizabal, Ms. Ma. Jodecel C. Danting at Ms. Evelyn Undan – Madisson.

Ginanap ito kahapon, January 18, 2020 sa Science City Gymnsium bilang bahagi n gating 7th Uhay Festival.