Para sa pagdiriwang ng National Arts Month, nagsagawa ng isang dance workshop sina Iriah Sajor at Von Vibar para sa ilang myembro ng Bungkos Palay Dance Company. Ito’y isang patunay na hindi hadlang ang pandemya para sa patuloy na pagtangkilik natin sa sining.

Nagkaroon man ng mahigpit na pagpapatupad ng mga safety protocol, siniguradong nakapaghatid pa rin ng munting kasiyahan ang dance workshop para sa mga kabataang nagsipagdalo. Maraming salamat sa lahat ng patuloy na tumatangkilik sa sining. Mabuhay kayong lahat na mga artista ng bayan!