Kahit hindi nakikita ang mga ngiti at mapuputing ngipin na nakakubli sa mga facemask na gamit ng mga bata at mga dumalo, ay nadarama ang saya sa ginanap na National Oral Health Month 2022 Awarding Ceremony nitong Pebrero 23, 2022 sa Barangay Bical sa pangunguna ni Ms. Andrea Vasquez, DMD; Ms. Myrna B. Estrada, City Social Welfare and Development Officer; Ms. Marivic C. Lumibao, SWA- Focal Person for Children at Mr. Joselito F. Vergara, Punong Barangay. Sinimulan ng isang BANDILYO ang programa upang maipahayag sa mga mamayan ang kahalagahan ng kalusugan ng ating bibig at mga ngipin.
Sa pangunguna ni MAYOR NESTOR L. ALVAREZ, Ph.D., ang Pamahalaan ng Science City of Muñoz ay malugod na binabati ang walumpu’t siyam (89) na mag-aaral ng Day Care Centers ng ating lungsod na ginawaran ng Sertipiko ng Pagkilala sa pagiging ORALLY FIT CHILD na ang ibig sabihin ay mga batang napanatili ang pagkakaroon ng malusog na gilagid at ngipin, sina Wilfredo P. Ramos III, 19 taong gulang mula sa Barangay Bical at si Kim Audrey A. Dizon, 17 taong gulang ng Barangay Catalanacan na ginawaran ng Sertipiko ng Pagkilala para sa kanilang paglahok sa POSTER MAKING CONTEST na ginanap nitong Pebrero 16, 2022.
Kung ating aalagaan ang ating mga ngipin at gilagid ay talagang tayo’y magkakaroon ng “Healthy and Beautiful Smiles, Beyond Miles”. Maraming salamat po sa lahat ng dumalo at nakiisa sa simpleng selebrasyon ng ating National Health Month 2022.
Ngiting kay tamis ang lahat ay nais, kaya’t sa dentista bumisita upang ngipin ay maging matatag at kahalihalina.