“Lahat ay Kabilang Kalusugan ng Ngipin at Bibig Tutugunan”

Oral Health Education, Oral Examination, Flouride Varnish Application, EHCP distribution para sa Barangay Pandalla.

Ito ay pinangunahan ni Dr. Andrea Vasquez kasama ang mga tauhan ng Dental Health Unit para sa pagdiriwang ng National Oral Health Month Celebration 2021 na ginaganap tuwing buwan ng Pebrero. Ang LGU-SCM po ay natutuwa na makita ang inyong matatamis na ngiti para sa pagdiriwang na ito.

Para po sa kaalaman ng lahat, isang concentrated form ng fluoride ang Fluoride Varnish na inilalagay ng dentista o dental hygienist o iba pang propesyonal sa ibabaw ng ngipin. Ito ay isang dental treatment na makakatulong maiwasan ang pagkabulok ng ngipin, pabagalin ito o pigilang lumala.

Ang Oral Health Education ay mabisang paraan para ang mga kabataan ay mas mapagpagbuti pa ang pag-aalaga sa kalusugan ng ating mga bibig at ngipin. Ugaliin po nating magpasuri tuwing ika-anim na buwan para maiwasan ang maaaring maging seryosong sakit o komplikasyon.

Kung kayo po ay may katanungan tungkol sa serbisyong dental, maaari kayong tumawag sa numerong ito: 09057316095.

#ALagangAlvarez
#TatakALVAREZ