Ngipin na kay tibay at ganda ipakita sa ngiting punong puno ng saya!

Para sa ating Pambansang Pagdiriwang ng buwan sa kalusugan ng bibig (National Celebration of Oral Health Month) na may temang “Healthy and Beautiful Smiles Beyond Miles”,  ginanap kahapon, Pebrero 1, 2022  ang Sabayang Pagsisipilyo ng Pamilya Ramos sa Barangay Bical.

Nagpapasalamat po ang Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz sa pangunguna ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D.  at ni Dr. Andrea Vasquez sa mga kababayan nating nakiisa sa padiriwang ng ating National Oral Health Month. Patuloy po nating alagaan ang ating mga ipin at ugaliing magpasuri tuwing ika-anim na buwan para maiwasan ang maaaring maging seryosong sakit o komplikasyon.