Bilang pagkilala sa kontribusyon ng mga kababaihan sa pag-unlad ng ating lipunan sa pangunguna ng Philippine Commission on Women (PCW) at sa bisa ng Presidential Proclamation No. 227 s. 1988, ang buwan ng Marso ay itinakda upang ipagdiwang ang National Women’s Month. Ito ay upang paigtingin pa ang kampanya para sa pagpapalakas at pagpapalaganap ng pantay-pantay na pagtanaw sa bawat kasarian.

Sa lahat ng mga kababaihang walang pagod na itinataguyod ang bayan, pamilya, at sarili lalo na sa panahon ng pandemya, patuloy naming dadakilain at kikilalanin ang inyong serbisyo at kontribusyon sa ating lipunan.

Ngayong taon sa temang “Juana Laban sa Pandemya, Kaya!” ay nakikiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz sa pangunguna ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D., sa pagbibigay ng mga oportunidad upang mas mabigyang kinang at importansya ang ating #WonderJuanas lalo na ngayong panahon ng pandemya!

#WomenMakeChange
#ALagangAlvarez
#TatakALVAREZ