Ipinagkaloob sa mga napiling benepisyaryo ng NEGO – KART Project: Serbisyo para sa Mobile Vendors na sina Ms. Bernadette Talusan – Brgy. Poblacion West at Ms. Laarnie De Guia – Brgy. Poblacion North ang nagkakahalagang ₱20,000 na pang puhunan sa pagsisimula ng negosyo. (₱15,000 for cart and ₱5,000 worth of products)
Ang NEGO-KART Project ay isang proyekto ng Provincial Government of Nueva Ecija at Department of Labor and Employment (DOLE) para mabigyan ng pangkabuhayan ang bawat mamamayan hindi lamang sa probinsya kundi sa buong bansa. Labis naman ang kagalakan ng mga napiling benepisyaryo dahil ito’y magiging malaking tulong sa kanilang pagsisimula at pagpapalago ng kanilang mga negosyo.
Ginanap ang NEGO-KART Awarding at Contract Signing noong December 9, 2019 sa Provincial Auditorium, Old Capitol Compound, Cabanatuan City, Nueva Ecija.