Sa pamamagitan ni Gen. Joselito “Jojo” Vera Cruz, Chief Directorial Staff, PNP, isang 4×2 Hilux Single Cab 2020 model ang natanggap ng PNP Muñoz. Ang ibinahaging sasakyan ay isa sa mga proyekto sa ilalim ng pamamahala ni PGen Debold M. Sinas, Chief Philippine National Police. Ito ay tinanggap nila Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D., PLt.Col. Jaime B. Quiocho Jr. at Coun. Rodney S. Cabrera. Sampung istasyon sa Nueva Ecija ang napiling mabahaginan ng nasabing sasakyan.

Ang nasabing sasakyan ay makapagsasakay ng sampung (10) katao at ito ay gagamitin sa pagpapatrolya sa ibat-ibang barangay para sa kapayapaan at kaayusan ng lungsod.