Gabi para sa ating mga Non-Governmental Organizations (NGO) at Civil Society Organizations (CSO) 2023 ang naganap kagabi, January 11, 2022 sa ating Pag-Asa Gymnasium. Pagkatapos ng mahaba habang panahon ng pananatili sa ating mga bahay upang makaiwas sa Covid-19 ay naritong muli at nagsasama sama at nagkakasiyahan ang bawat isa.

 Nakiindak at nakisaya ang ating masipag at mapagmahal na TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO AVAREZ kagabi kasama ang ating napakabait na VICE MAYOR NESTOR LAZARO ALVAREZ, Coun. Vincent DV. Alvarez, Coun. Jerry S. Fulgencio, Coun. Edmond J. Balmeo, DMD, Coun. HON. Altreb S. Castañeda, Coun. Herminio F. Salcedo, Coun. Henry G. Agaloos, Former Coun. Rodney Cabrera at iba pa.

 Binabati po namin ang mga nanalo sa naganap na raffle draw. Doble saya talaga sa Muñoz. Ang gabi ng NGO ay gabi ng saya, pagkakaisa at pagtutulungan. Binabati din po namin ng isang MALIGAYA at MAPAGPALANG KAARAWAN ang ating pinakamamahal na KONSEHAL VINCENT DV. ALVAREZ! Mabuhay po kayo!