Mga kababayan, ang Nueva Ecija po ay isa sa mga lalawigan sa gitnang Luzon na isasailalim sa ALERT LEVEL 3 simula bukas ENERO 14, 2022 hanggang ENERO 31, 2022.  Narito po ang mga pinapayagan at hindi pinapayagan sa naturang alert level.

Paalala po mula sa Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. na mahigpit nating sundin ang minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng facemask, social distancing at palagiang paggamit ng alcohol.Hinihiling din po namin na sundin ang guidelines para sa ALERT LEVEL 3.

Mag ingat po ang lahat, COVID 19 ay ating iwasan!