PARA PO SA KAALAMAN NG LAHAT!
Ayon po sa public announcement ng ating Gobernador Aurelio M. Umali, ang lalawigan ng Nueva Ecija ay sasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula Mayo 16 – 31, 2020. Ito ay matapos na aprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang apela ng ating Governor na ilagay sa MECQ ang lalawigan imbes na isailalim sa General Community Quarantine (GCQ) na alinsunod nadin sa ginawang rekomendasyon ng Regional IATF noong May 13, 2020.
Samantala, doble pag-iingat po tayo laban sa virus na Covid19 at sa Typhoon Ambo na kasalukuyang tinatahak ang ating lalawigan.
God bless us all! Keep safe Muñozians!