MALNUTRITION, ito ay isang malubhang kondisyon kung saan ang pangangatawan ng isang tao ay nagkukulang sa sustansya na nararapat. Sa madaling salita ang MALNUTRISYON ay KULANG SA NUTRISYON. Ayon sa ating UNICEF,  araw-araw ay 95 na bata sa Pilipinas ang namamatay dahil sa malnutrition.

 Kaya upang malabanan ang MALNUTRITION ay ginanap ang isang NUTRITIONAL PROGRAM sa ating Pag-Asa Gymnasium sa pangunguna ng ating mapagmahal na MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ kung saan nagpamahagi ng GATAS, MULTIVITAMINS AT PEANUT BUTTER sa mahigit kumulang 200 na kabataan ng iba’t ibang barangay ng ating lungsod na kulang sa timbang at labis ang kakulangan sa timbang na siyang masugid na hinanap ng ating mga Barangay Nutrition Scholar. Samantala nagbahagi din ang ating Mayor Baby Armi L. Alvarez kasama ang ating Coun. Vincent Alvarez ng GATAS, BIGAS at CANNED GOODS sa ating mahigit kumulang 150 na mga kababayang buntis na nutritionaly at risk o nasa panganib sa nutrisyon.