Taimtim na nanumpa si Ms. MARICRIS L. CAMUS ng Barangay MALIGAYA na tutuparin ng buong husay at katapatan, sa abot ng kanyang kakayahan ang kaniyang tungkulin bilang BARANGAY KAGAWAD nitong Oktubre 25, 2022 sa harapan ng ating masigasig na TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz.

 Sa abot na makakaya ng ating TITA MAYORA BABY ARMI kasama ang kapitan ng Brgy Maligaya na si Kapitan NORMAN C. OLIMPO ay gagabayan nila ang bagong Brgy Kagawad upang maglingkod ng tama, matapat at mahusay sa minamahal nating lungsod at mga mamamayan nito.