Paglilingkod ng tapat at mahusay sa mahal nating lungsod at sa mga mamamayan nito ang pangunahing prayoridad ng ating TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ. Sapagkat ang kaniyang nais ay isang bayan na masagana, maganda, maunlad at may mamamayan na nagkakaisa.

 Kaya sa abot nang makakaya ng ating mahal na TITA MAYORA BABY ARMI kasama ang kapitan ng Brgy Sapang Cauayan na si Perfecto I. Joaquin ay kanilang gagabayan at aalalayan ang bagong KAGAWAD ng BRGY SAPANG CAUAYAN na si G. Leonard DG. Dela Cruz upang maglingkod ng buong husay at katapatan sa ating minamahal na mga kabarangay. Naganap ang kaniyang oath taking nitong Nobyembre 8, 2022 sa ating bahay pamahalaan sa harapan ng ating masigasig na TITA MAYORA BABY ARMI.

 Binabati po naming kayo!