Sa pamamagitan ng Book 3 Section 455 ng Republic Act 7160 o kilala bilang Local Government Code of 1991 ay iniluklok bilang kagawad ng Barangay Pob. West si Ms. Jennyfer B. Listerio.

 Naganap ang kanyang oath taking o panunumpa ngayong Agosto 30, 2022 sa pangunguna ng ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ kung saan siya ay nanumpa na tutuparin niya ng buog husay at katapatan sa abot ng kanyang kakayahan ang mga tungkulin ng kayang kasalukuyang katungkulan.

 Binabati po namin kayo sa inyong panunumpa. Mabuhay!