Ang pinakamalaking DOST OneSTore Hub na natatanging itinaguyod ng LGU sa Pilipinas ay pinasinayaan at binasbasan ni Rev. Fr. Rufo Ramil H. Cruz, Ph.D. noong Enero 20, 2021. Pinangunahan ito ng kalihim ng DOST na si Prof. Fortunato T. Dela Peña at ng Lokal ng pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz na pinamumunuan ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D.

Dinaluhan din ang nasabing pagpapasinaya at pagbabasbas ng direktor ng DOST Region III Dr. Julius Caesar V. Sicat, Dr. Edgar A. Orden, Presidente ng Central Luzon State University at kinatawan ni Engr. Sancho A. Mabborang na si Mr. Chris Musni.

Binigyan ng plake ang lokal na pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz dahil sa pagiging kaunaunahang lokal na pamahalaan na nagpatayo ng OneSTore Hub sa bansa bilang suporta sa DOST.

Isang electronic commerce (E-commerce) platform ang oneSTore.ph na pinasimulan ni dating kalihim Mario G. Montejo, pinalawak at sinuporatahan ng kasalukuyang kalihim ng Department of Science and Technology (DOST) na si Prof. Fortunato T. Dela Peña at pinaunlad ng DOST Region 2 Team.

Ang OneSTore ay tumutulong sa Department of Science and Technology (DOST) na palawakin ang Micro Small Medium Enterprise (MSME) at nagbibigay din ito sa mga customer ng madaling karanasan sa pamimili at mga tagatingi (retailers) na may simple at direktang pag-access sa isa sa pinakamalaking customer web based sa Pilipinas.

r3.kiosk.onestore.ph