Trivia:  Sa Pilipinas, ang pagtutuli, o tuli, ay ginaganap sa karamihan ng mga batang Pilipino. Ang Tuli ay itinuturing na isang seremonya ng pagiging isang ganap na lalaki. Ang pinagmulan ng tradisyong ito ay hindi malinaw, ngunit ito ay isang mahalagang panlipunang aspeto sa pamayanang Pilipino.

Bakas ang tapang sa mga mata ng mga kabataang tinuli ngayong araw, Agosto 1, 2022 sa Barangay Villa Isla. Tuli na ba kayo?! Anong pang hinihintay nyo? Patuli na! Libre na! Alagang alaga ka pa! San ka pa diba? Basta Muñozonian ka libre ka dito.

 Sinisigurado ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ na maihahatid ng libre, may alaga at may kalidad ang mga ganitong serbisyo para sa ating mga minamahal na mamayan.

Para po sa schedule ng Operation Libreng Tuli 2022 ay maari po tayong magtungo sa link na ito:

https://tinyurl.com/LIBRENGTULI2022

https://tinyurl.com/LIBRENGTULI2022SCHEDULE