Ginanap ang “Sabayang Pagsisipilyo ng Pamilya” at isang paligsahan sa pagpipinta ng luwad (clay painting contest) kahapon Pebrero 2, 2021 sa Matingkis, Science City of Muñoz sa pangunguna nina Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. at ni Dr. Andrea Vasquez bilang pakikiisa sa Pambansang Pagdiriwang ng buwan sa Kalusugan ng bibig (National Celebration of Oral Health Month) na may temang “Lahat ay Kabilang Kalusugan ng Ngipin at Bibig Tutugunan”.Ang paligsahan ay nagbukas sa edad 9-12 na may 2 oras na nakalaan upang matapos ang kanilang obra maestra.

Ang Philippine Dental Health Month ay ginaganap sa buwan ng Pebrero. Nagsimula ang pagdiriwang noong 1951 bilang National Dental Health Week. Ito ay pinalawak sa isang buwan na pagdiriwang alinsunod sa Presidential Proclaimation No. 559 na pirmado ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong Pebrero 24, 2004. Ang pagdidiriwang ay may layunin na palakasin ang kamalayan ng publiko sa kakulangan ng mabuting kalusugan sa bibig at upang mahikayat ang mga dentista, mag-aaral, mga nauugnay na ahensya ng gobyerno, at mga propesyonal na organisasyon na makipag-ugnay sa mas maraming mga tao na walang pagkakataong magkaroon ng mga serbisyo sa ngipin, lalo na ang mga nasa kanayunan.