Ano man ang iyong iniinda palaging tandaan na hindi ka nag-iisa sapagkat kasama po ninyo ang Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating mapagkalinga at mapagmahal na TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ.

 Isa pong Orientation on Completed Social Technologies ng Department of Social Welfare and Development Field Office III sa pangunguna nina Mr. Raphael M. Bartolome, Ms. Ericka Joy G. Garcia at Rhyan E. Tolentino para sa ating City Social and Welfare Development sa pamumuno ni Ms. Gabriela B. Fernandez ang naganap nitong Nobyembre 10, 2022.

 Comprehensive programs for Street Children, Street Families and indigenous people (lalo na ang mga Badjao); Home care support services for Senior Citizen, Care Able Program for PWD; at Women Friendly Space ang pangunahing mga paksa sa nasabing oryentasyon.

 Lalong pagpapabuti ng serbisyo para sa mga minamahal nating mamamayan at mga programa at proyekto na malaki ang maitutulong sa bawat isa ang nais ng ating TITA MAYORA BABY ARMI. Kaya lubos po kaming nagpapasalamat sa mga ganitong oryentasyon, malaki po ang maitutulong nito sa amin, sa lungsod ng Muñoz at sa mamamayan nito.

 Hindi tayo titigil sa pagpapabuti sa pamamahagi ng serbisyong may kalidad at pagmamahal.