Naganap ang isang oryentasyon ukol sa maayos at malagong paghahanap buhay na tinalakay nina Gng. Jeanny S. De Guzman, HVCC Coordinator at Atty. Ferdinand “Blue Boy” Abesamis, RCEF Coordinator noong Enero 26, 2021 sa Science City of Muñoz Pag-Asa Gym kung saan ang mga dumalo ay ang mga miyembro ng Rural Improvement Club (RIC) ng barangay Bical, Catalanacan, Palusapis, San Felipe, Mapangpang, Linglingay, Matingkis, San Antonio, Sapang Cauayan, Villa Santos at Licaong at mga miyembro ng 4H Club ng barangay San Antonio. Ang mapagdedesisyunan ng bawat RIC at 4H Club na negosyong pangkabuhayan ay popondohan o magmumula sa pamahalaang panlalawigan. Ang naturang programa ay makakatulong sa kolektibong pag unlad ng antas ng pamumuhay ng isang mamamayan at pag unlad ng lungsod.

Inumpisahan ang programa ng isang panalangin na pinangunahan ni Gng. Liza Carbonel. Samantala, ipinakilala ni Gng. Priscilla M. Casilan, Senior Agriculturist ang mga miyembro ng Rural Improvement Club (RIC) at 4H Club sa mga panauhing pandangal. Nagbigay naman ng mensahe sina G. Bernardo M. Valdez, Provincial Agriculturist, Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D., Hon. Joseph “Wowowin” Ortiz, Sangguniang Panlalawigan at si Vice Governor Anthony M. Umali . Pinangunahan naman ni Dr. Jerry A. Rigos, City Agriculturist ang pangwakas na pahayag.