Naganap ang pagbasbas at DRY RUN sa ating kauna-unahang Ospital ng Lungsod  Agham ng Muñoz (OsLAM) nitong January 16, 2023. Unti unti na pong nabibigyang katuparan ang kahilingan nating lahat sapagkat nagsagawa na ng Dry Run sa ating OsLAM upang bago ito tuluyang magbukas ay malaman na ang mga dapat pang pagbutihin o bigyang pansin sa magiging paglilingkod natin sa OsLAM.

Ang kauna-unahan at matagal ng minimithing Ospital Ng Lungsod Agham Ng Muñoz ay akda ni Sen. JV Ejercito. Ang  proyektong ito ay pinangunahan ni Kgg. Edmond J. Balmeo, Chairman Committee on Health ng 6th Sangguniang Panlungsod. Ito ay ipinatayo ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod sa masugid na pamumuno ng noon ay Mayor at ngayon ay ating Vice Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D sa pakikipagtulungan ni Congresswoman Mikki Violago at ng DOH Regional Office III at siyang ipinagpatuloy at sinuportahan ng ating nag-iisang TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ na isa ring nurse upang magsilbi, unang-una sa ating minamahal na mga kalungsod at sa mga mamamayan ng mga karatig na bayan nito.

Patuloy na nakatindig ang ating TITA MAYORA BABY ARMI bilang isang ina ng bayan na may puso ng isang nuse na maalaga at maaruga para sa ating pinakamamahal na lungsod agham at para sa kaniyang mga nasasakupan.