Nito lamang ay personal na kinausap ng ating butihing Mayor Nestor L. Alvarez,Ph.D. kasama ang namumuno at mga tauhan ng ating City Social Welfare and Development Office at ng ating kapulisan ang mga magulang ng mga kabataan o tinatawag na batang kalye o street children may edad 7-21 na nakikita natin na pakalat kalat, namamalimos, natutulog sa kalye at pinapasok ang mga establisyemento sa ating lungsod.  Ipinaalala sakanila ang kanilang mga responsibilidad bilang magulang. Kabilang at kauna unahan dito ang pag aasikaso at pangangaral ng tamang asal sa kanilang mga anak.

Dalawang (2) babae at pitong (7) lalaki ang kinuha ng ating kapulisan upang pansamantalang patulugin sa kanilang tanggapan at agad na inihatid sa kani-kanilang mga bahay para na din mapagsabihan at maipatawag ang kanilang mga magulang. Kapag nagpatuloy pa ang ganitong kaugalian o gawain, ang mga batang may edad isa hanggang labing pito ( 1-17 years old) ay kukunin at dadalhin ang mga  ito sa Bahay Pag-Asa sa Cabanatuan City.

Mga minamahal naming magulang, ituring nating kayamanan ang ating mga anak. Ibigay, ipadama at ipakita natin sa ating mga anak ang responsibilidad bilang isang magulang. Huwag nating hayaan na sila ay mapariwara. Patuloy nating  ituro sa kanila ang mabuting asal upang sila ay maging isang huwaran na mamamayan ng ating lungsod. Manatili tayong mabuting ehemplo at patuloy natin silang gabayan. Mga tatay at nanay, umaasa po kami sa inyong patuloy na pakikipagtulungan.

#NaglilingkodngLubosatmayAksyon
#ALagangAlvarez
#TatakAlvarez
#SerbisyongHandog
#KapayapaanKatahimikanKaayusan