Disenteng pabahay para sa mga mamamayan lalo na sa mga empleyado ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz na wala pang bahay ang pangunahing paksa sa naganap na courtesy call sa pagitan ng Pag-IBIG Fund at ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pangunguna ng ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ nitong Oktubre 5, 2022. Dumalo sa nasabing courtesy call sina Mr. Reynante Pasaraba, Ms. Gladys Ann Arada, Alex Lozano at Mr. Russell Reyes Cabanatuan City at San Fernando, Pampanga. Layunin ng Pag-IBIG Fund na magpahiram ng murang halaga para sa pagpapagawa ng bahay sa murang pagbabayad.
Kasunod nito ay naganap ang courtesy call sa pagitan ng mga konsehal mula sa PALAYAN CITY na sina Coun. Jr Fajardo at Coun. PJ Estavillo at ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pangunguna ng ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ.
Inaasahan po ng pamahalaan ang patuloy na matibay at matagumpay na pagkakaisa!
