Patuloy po ang pagbisita ng ating aktibong MAYOR NESTOR L. ALVAREZ, Ph.D. sa mga paaralan sa Science City of Muñoz upang alamin ang kanilang mga pangangailangan na makakatulong sa mga kabataan na mas mapagbuti ang kanilang pag aaral at mas maibigay ng mga guro ang walang katumbas na serbisyo para sa mga estudyante nito.

Kanila pong binisita ang Pandalla Elementary School, Calabalabaan Elementary School, Gabaldon Integrated School, Calisitan Elementary School, Maligaya Elementary School at DepEd-CLSU Elementary (Lab) School nitong Nobyembre 4,2021 at nagpamahagi ng mga pintura at iba pa upang habang wala pang face to face classes ay patuloy na inaayos at pinapaganda ang mga paaralan.

 Patuloy na pagsulong para bayan!