Habang wala pang face to face classes ay patuloy pong pinagtutulungan ng Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz sa pamumuno ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. at ng mga guro at principal ang pagaayos at pagpapaganda ng ating mga paraalan.

 Kahapon, Nobyembre 9, 2021ay binisita ng ating aktibong Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. ang mga iskwelahang San Andres Elementary School, Rizal Elementary School, Franza Elementary School at Bical Elelmentary School upang maghandog ng mga pintura at alamin ang kalagayan at mga pangangailangan ng mga naturang paaralan.