Suporta at pagmamahal ang patuloy na handog ng Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. sa patuloy na pamamahagi ng pintura para sa mga paaralan sa ating lungsod.

 Tulad noong mga nakaraang araw na pagbisita sa iba’t ibang mga paaralan, nitong Nobyembre 9, 2021 naman ay binisita naman nila ang Mapangpang Elementary School at San Felipe Elementary School upang maghandog ng mga pintura at alamin ang kalagayan at mga pangangailangan ng mga nasabing paaralan.