Tuloy tuloy po ang pagbisita, pamamahagi ng pintura at pangangamusta sa kalagayan at mga pangangailangan ng mga paaralan ng lungsod.

Nitong Nobyembre 10,2021 ay binisita naman ng Pamahalaan ng Science City of Muñoz  sa pamumuno ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. ang Linglingay Elementary School, Mangandingay Elementary School, Villa Isla Elementary School at Rang-Ayan Elementary School.

Ikinagagalak po ng lubos ng pamahalaan ang suporta at pakikiisa ng mga guro, principal at iba pa ang  patuloy na pagaayos at pagpapaganda sa ating mga paaralaan.