Mainit man ang panahon ay hindi ito hadlang upang makapaghandog ng pintura at makamusta ang mga paaralan ng Science City of Muñoz. Para sa araw ng Nobyembre 12, 2021, binisita ng Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. ang Palusapis Integrated School, Catalanacan Elementary School, Ricardo Viola Adriano Elementary School formerly Labney Primary School, Sapang Cauayan Elementary School at Maragol Integrated School.

Walang hadlang sa patuloy na pagpapaganda sa mga paaralan sa ating lungsod. Mga Muñozonian, sama sama tayo sa magandang kinabukasan.