Binisita ng ating aktibong MAYOR NESTOR L. ALVAREZ, Ph.D. ang Bagong Sikat Elementary School, Villa Cuizon Elementary School, Licaong Elementary School at Magtanggol Elementary School nitong Nobyembre 3, 2021. Ito ay upang alamin ang  mga pangangailangan na makakatulong sa mga kabataan na mas mapagbuti ang kanilang pag aaral at mas maibigay ng mga guro ang walang katumbas na serbisyo para sa mga estudyante nito.

 Nagpamahagi din sila ng mga pintura at iba pa sa mga nasabing paaralan upang habang wala pang face to face classes ay patuloy na mapaganda at patuloy na ayusin ang mga paaralan.

 Sama sama po tayo at tulong-tulong patungo sa lahat ng ating mga pangarap para sa ating sarili at para sa ating lungsod.