Bumisita ang Regional Director (RD) ng Commission on Population and Development (POPCOM) na si Ms. Lourdes P. Nacionales kasama  si Gng. Cherry Ann Caraan sa Lungsod Agham ng Muñoz. Pasasalamat ang hatid ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D., sa kanilang pagbabahagi ng mga ideya tungkol sa pagkakaroon ng mga barangay population worker, pagpapatayo ng City Population Office, at Teen Information Center.

 Kanya ring sinigurado na masugid na susubaybayan ang mga programang Responsible Parenthood and Family Planning, Adolescent Health and Development, Population and Development Integration, Gender and Development, at Special Population Group dito sa ating lungsod.

#NaglilingkodngLubosatmayAksyon
#ALagangAlvarez
#TatakAlvarez
#SerbisyongHandog
#KapayapaanKatahimikanKaayusan