Maligayang pagbisita Senator Imee Marcos! Isa pong malaking karangalan ang inyong pagbisita sa aming pinakamamahal na Science City of Muñoz!

 Lubos na ikinatuwa ng ating mapagmahal at very active na TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ, ng ating VICE MAYOR NESTOR LAZARO ALVAREZ, mga kapitan ng barangay, kawani ng barangay, Sangguniang Kabataan, TODA members at ng mga taga Science City of Muñoz ang pagbisita ni Senator Imee Marcos nitong Disyembre 11, 2022 kung saan siya ay nakiisa at dumalo din sa pamamahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS sa isang libong benepisyaryo na mga indigent family sa ating lungsod.

 Nagmula sa ating Department of Social Welfare and Development ang nasabing AICS sa pamamagitan ng ating Senator Imee Marcos sa pakikipagtulungan at pagkakaisa sa ating Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz na pinamumunuan ng ating TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ at ng City Social Welfare and Development sa pangunguna ni Ms. Gabriela Fernandez.

 Walang imposible basta para sa Science City of Muñoz!