Magandang balita mga kababayan!! Ang kauna-unahang Ospital ng Lungsod Agham ng Muñoz (OsLAM) na matatagpuan sa Barangay Rizal ay binasbasan at binuksan na ngayong araw Hunyo 8, 2021. Ngunit pansamantala po muna itong gagamitin bilang Covid-19 Temporary Treatment and Monitoring Facility o TTMF ng ating lungsod habang ginagawa ang ating permanenteng TTMF o Isolation Facility na malapit din dito.

Ang simpleng programa ay dinaluhan nina Mayor Nestor L. Alvarez,Ph.D., Hon. Micaela “Mikki” S. Violago, Representative ng 2nd District of Nueva Ecija, Dr. Edwin Santiago, Development Officer V ng PDO Nueva Ecija, Dr. Mikko Wong,  Coun. Jerry S. Fulgencio, Coun. Rodney S. Cabrera, ABC President Alexander Natividad, Ms. Armi L. Alvarez, Former Coun. Vincent Alvarez, Former Coun. Edmond Balmeo, Engr. Armando Miranda, Capt. Fidelito Pascua, Jr. ng Brgy. Rizal at iba pa.

 Ang kauna-unahan at matagal ng minimithing Ospital Ng Lungsod Agham Ng Muñoz ay akda ni Sen. JV Ejercito. Ito ay ipinatayo ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod sa masugid na pamumuno ng ating Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D.  sa pakikipagtulungan ni Congresswoman Mikki Violago at ng DOH Regional Office III upang magsilbi, unang-una sa ating minamahal na mga kalungsod at sa mga mamamayan ng mga karatig na bayan nito.

Lubos po ang aming pasasalamat sa lahat ng tumulong at nakiisa upang mabigyang katuparan ang pagkakaroon ng kauna-unahang ospital ang ating mahal na lungsod.

Pangarap na natupad ay alay para po sa ating lahat! Mabuhay ang Lungsod Agham ng Munoz!

#NaglilingkodngLubosatmayAksyon
#ALagangAlvarez
#TatakAlvarez
#SerbisyongHandog
#KapayapaanKatahimikanKaayusan